Makakalimutin kasi minsan si Papa Bear. Nakalimutan niyang palitan ang naghihingalo ng baterya ng alarm clock, kaya hindi ito gumana isang araw at naatrasado siya sa pagpunta sa pick-up point ng kanilang shuttle. Pagbukas niya sa pangharap na pinto ng van, nandoon na ang isang babae. Napilitian siyang umupo sa likod.
1cSino ba kasi 18yan? 1d pabulong na tanong ng kaibigan niyang si Penny.
1cBagong empleyado. OJT. 1d pabulong ring sagot ni Donald sa bandang likuran.
Binansagang 1cGoldilocks 1d ni Penny ang bagong babae, mula sa kilalang tauhan ng fairy tale na kumain, umupo at natulog ng hindi nagpapaalam sa bahay ng isang pamilyang oso. 1cPapa Bear 1d kasi ang lambing ng mga kaopisina kay Ador, kaya ano pa nga naman ang itatawag sa nang-agaw ng upuan nito?
Si Penny din ang unang nagbansag ng Papa Bear kay Ador. Matangkad kasi ito 13 six foot three ang tangkad 13 at medyo mataba. Maski napakalaking lalaki ay palangiti naman at malumanay magsalita. Kapag ngumiti siya ay naniningkit ang mga mata. Shameless romantic pa si Ador, palibhasa 19y nagsusulat ng mga romance novel sa kanyang free time.
Akmang akma sa pagkatao ni Papa Bear ang kanyang tunay na pangalan 13 Adorable. Kumbaga, parang teddy bear na walang balahibo. Ang biro nga ng iba, lagyan lang siya ng ribbon sa leeg ay puwede na siyang ipanregalo kung pasko.
Ang upuan sa tabi ng driver sa shuttle ay nirereserba na ng mga empleyado para sa kanilang Papa Bear. Sa totoo lang kasi, doon lang siya kasya. Kapag sa likod siya umupo, patay sa ngawit ang mga paa niya. Nagpapatulong pa nga itong bumaba habang nagigising pa lang ang mga paa.
Kaya noong araw na 18yun, naging Goldilocks si Goldilocks, at nangawit na naman ang mga paa 19t binti ni Papa Bear.
Bakit naging mortal na katunggali ni Papa Bear si Goldilocks?
Kasi wala namang nagsasabi kay Goldilocks na ang upuan sa harap ng van ay nakalaan, maski wala namang malinaw na usapan, kay Papa Bear. At sa dahilang walang nakaiintindi kina Papa Bear, Penny, at iba pang kasama sa shuttle, paborito nitong umupo sa harap.
Kaya sa araw-araw na lang sa mga sumunod na buwan ay parating nakikipag-unahan si Ador sa pagdating. Sa umaga, tumatakbo-takbo pa siya pagkababa ng jeep. Sa hapon naman, kalahating oras bago ang uwian ay nagkukumahog na siyang tapusin ang lahat ng trabaho para makalabas ng maaga.
Kung may nagtatala siguro, halos pantay lang ang score ni Ador at Goldilocks. Mas lamang nga lang ang huli. Maliit kasi at mas mabilis maglakad.
Maaari bang magkagustuhan ang mga naghahabulan?
1cPenny, may ikukuwento ako sa 19yo, 1d excited na anyaya ni Ador kay Penny pagkababa nila ng shuttle, bago sila magkanya-kanya.
Ilang linggo na raw ang nakararaan, kuwento ni Ador, nagkita sila sa labas ng employee gate ni Goldilocks. Nahuli ng labas si Ador noon, at nagulat siya ng makita si Goldilocks na may tinetext. Sandali silang nagkatinginan. Sa tagal nilang nagkikita tuwing nagkakasabay, hindi naman sila naguusap, at matamlay na ngiti lamang ang bati sa isa 19t-isa ngayon.
Pero tila may pagkakaintindihang namagitan sa pagkakataong ito 13 pagkakaintindihang may kinalaman sa upuan sa harap ng van!
May dalawang minutong lakad ang layo ng employee shuttle mula sa gate. Nauna nang lumakad si Ador, pero mabilis namang sumunod si Goldilocks. Pareho nilang sinisilip ang isa 19t-isa, at pareho ding ayaw magpahalata. Noong hapong iyon, si Goldilocks ang nauna at umupo sa harapan.
1cNoong hapong iyon? 1d tanong ni Penny. 1cIbig sabihin palagi kayong nagkakasabay? 1d
1cOo. 1d Nahihiyang ngiti ni Ador. Ngunit hindi naman totoong 1cnagkakasabay. 1d Noong mga unang araw kasi, palaging naaabutan ni Ador na nagtetext si Goldilocks. Napaisip pa nga siya kung hinihintay ba siya nito. Pero minsan ay wala siyang dinatnan paglabas ng gate. Bagamat maaari nang mauna 19t siguraduhing siya ang uupo sa harapan, nilabas pa rin niya ang cellphone, tinignan kung anong oras na at nagbasa ng mga lumang messages.
Hanggang sa lumabas si Goldilocks.
Naging ganoon ang routine ni Ador. Hinihintay niya si Goldilocks kung wala pa ito sa gate paglabas niya. Wala naman siyang paraan malaman kung hinihintay din siya nito.
1cIkaw talaga, umandar na naman ang pagiging romance writer mo! 1d Pinagalitan ni Penny si Ador ng ikuwento nito ang kanyang 1cpakikipagkarera 1d sa kaagaw ng upuan. 1cHuwag mo sabihing crush mo siya?! 1d
1cWala 18yun. Natutuwa lang ako sa kanya. Besides, hindi naman kami bagay. Maganda siya. Ordinaryo lang ako. 1d
1cHindi talaga kayo bagay. Ang supla-suplada kaya noon! Hindi bagay sa 19yo! 1d
Hindi kasi namamansin gaano si Goldilocks, oo. Mga ka-department lang ang kinakausap.
Pero sa tingin ni Ador, ito ay dahil nahihiya si Goldilocks sa kanila. Estudyante pa lang kasi ito 13 edad 19 pa lang siguro 13 at 18di hamak na mas bata sa karamihan ng mga empleyado. Si Ador nga ay malapit ng lumagpas sa kalendaryo.
Basta ang alam niya, ito ang pinakamagandang supladang nakilala niya.
Kakaiba ang dating ni Goldilocks. Hindi naman sa sobra itong ganda. Maayos lang sa sarili. Maingat manamit 13 iyong tipong hindi gaano malandi at hindi rin naman sobrang konserbatibo. Mabilog at tila nangungusap ang mga mata nito, at madalas sa hindi ay nakatingin lang sa malayo.
Iyon kasi ang tipo ni Ador. Mga babaeng mysterious. Kaya lingid sa kaalaman ng best friend niya sa opis na si Penny, noong unang araw pa lang na nasilayan ni Ador si Goldilocks ay hinanap na niya ito agad sa employee directory. Natawa siya ng bahagya ng malaman na ang tunay na pangalan ni Goldilocks ay matamis, tulad ng tingin niya sa pagkatao nito 13 Sugar.
Bihirang pagusapan ni Ador at Penny si Goldilocks dahil inis si Penny sa pagkasuplada nito. Pero ang hindi nalalaman ng kung sino man sa opisina ay napakaraming kuwento ang nasulat ni Ador na si Sugar ang bida. Nakatapos pa nga siya ng isang nobela. Naging mas mabait pa siya, sa opisina man o sa bahay. Ito kasing si Ador, mas magaan ang kalooban kapag inspired.
At dahil din sa paguunahan nila sa upuan tuwing hapon, nagbawas pa siya ng timbang.
Sa tuwing maiisip ito ni Ador ay napapangiti siya ng bahagya. Maganda ang epekto ni Sugar sa puso niya in more ways than one.
Bakit dapat magpasalamat sa matinding trapik si Papa Bear?
Lumipas ang anim na buwan at papatapos na ang semestre ng mga eskwela. Nabalitaan ni Ador sa isang kakilala sa HR na huling araw na sa OJT ni Sugar.
1cHindi man lang kayo nagkakilala, 1d panghihinayang ni Penny ng ibalita niya dito habang naninigarilyo sila. Natutunan na nitong tanggapin si Goldilocks maski hindi niya talaga gusto, dahil palaging bukambibig ni Ador. 1cIkaw kasi, gusto mo pala, hindi ka naman nagpakilala. 1d
Oo nga, naisip na Ador. Bakit siya hindi nagpakilala? Actually, noong araw na 18yon, dala niya ang nobelang natapos kung saan si Sugar ang pangunahing tauhan. Ibibigay sana niya. Pasasalamat. Ganoon lang. Pero bakit pa nga ba?
Noong hapong iyon, nagkita muli sa employee gate sina Ador at Sugar, at gaya ng kinagawian ay sabay na naglakad papunta sa employee shuttle. Hindi nagmadali si Ador. Huling araw naman ni Goldilocks, naisip niya, sige kunin na lang niya ang upuan.
Pagbukas ni Ador ang pinto sa likod ng van, nagulat siya ng makitang puno na pala rito. Sinubukang siksikin Penny ang mga katabi, pero mukhang hindi na talaga magkakasya pa ang dagdag na pasahero. 1cDito na lang po kayo sa harapan, sir, 1d tawag ng driver, 1ckasya naman kayo. Maliit lang si ma 19am. 1d
Kaya umusog ng pagkakaupo si Sugar. Masikip nga sila sa harapan, pero kasya naman. Pangisi-ngisi sa likod si Penny at ilan pa sa mga empleyado.
Nginitian ni Papa Bear si Goldilocks, pilit tinatago ang hiya. Pagkalarga ng van, sa malayo nakatingin si Papa Bear. Ayaw niyang mahalata ni Goldilocks na natutunaw siya tuwing makikita ang mga mata nito.
Kung sa anong dahilan, sobrang trapik noong hapong iyon. Isang oras na, pero nasa kalagitnaan pa lang sila ng biyaheng kadalasan ay kalahating oras lamang. Tulog na ang karamihan sa mga kasay ng shuttle.
Noong una 19y nagpipigil ng antok si Sugar. Pero ngayo 19y hindi na napigilan ang sariling makatulog ng tuluyan, at kapag nakakatulog pala to 19y nalalaglag ang ulo patagilid. Kaya ngawit na ngawit si Ador. Hindi niya maigalaw na kamay para hindi magising ang magandang dalagang nakaunan sa balikat niya.
Ngayon lang sila nagkalapit ng ganito. Ngayon lang niya nakita ng malapitan. Sa ganda ng maamong mukha nito, sa bango ng mahabang buhok nito, sa bawat maliit na detalyeng maingat na pinagmasdan ni Ador, ang naiisip lang niya 19y para pala siyang anghel. Anghel na bumaba sa lupa. Corny, pero hopeless romantic naman siya.
Bahagyang nalaglag ang ulo ni Sugar. Maingat na inayos ni Ador. 1cLord, nanamantala ba ako? 1d bulong ni Ador. Pero maski na, sabi niya sa sarili, hindi bale na magkasala, makalapit ka lang ng mas matagal.
Sa likod, natatawang tinuturo ni Penny si Ador kay Donald. 1cAng cute. 1d
Ang totoo niyan, mag-syota na ngayon sina Papa Bear at Goldilocks. Paano nangyari iyon?
Kasi umulan ng pagkalakas-lakas. Paano pa nga ba magtatapos ang kuwento ng isang hopelessly romantic romance writer kundi sa paraang hindi bagay sa nobelang romansa?
Pagdating sa babaan ng shuttle ay parang magwawakas na ang mundo sa lakas ng ulan. Kay sarap pa rin ng tulog ni Sugar, at maski anong kalabit nila ng driver ay ayaw magising, kaya nakababa 19t nakaalis na ang lahat ng laman ng van ay nandoon pa rin sila.
Puno na ng laway ni Sugar ang balikat ni Ador, pero lalo lamang itong gumaganda sa paningin niya.
Nang sa wakas ay nagising si Sugar, ang unang nabanggit nito ay 1cWala akong payong 26 patay! 1d Unang beses na marinig ni Ador ang boses nito.
1cHindi bale. Sumukob ka na lang sa payong ko. 1d
Bumaba sila (Papa Bear at Goldilocks together again, sa isip ni Ador) at nagsiksikan sa maliit na payong ni Ador para tumakbo sa pinakamalapit na masisilungan 13 isang coffee shop na walang tao.
Minungkahi ni Ador na magpatila na muna sila ng ulan bago tuluyang pumunta sa sakayan. Nag-offer siya na bumili ng kape o tsaa, at dahil basa na nga rin naman sila 19y nag request ng tsaa si Sugar. Bago umoorder ay sinabi ni Ador na marami siyang paper towel sa bag at kung gusto magpatuyo ni Sugar ay kumuha lamang siya.
Pagbalik niya dala ang kanilang inumin, naabutan niyang nagpupunas ng sarili si Sugar, at hawak nito ang kanyang nobela. 1cUy, sorry ha nakita ko kasi sa bag mo inusyoso ko lang 1d pasintabi nito, 1cnagbabasa ka ng ganito? 1d
1cOo. Nagsusulat din. 1d
1cNovel mo 18to? 1d
1cOo. 1d Hindi masabi sabi ni Ador na siya ang bida noon. 1cBakit mahilig ka sa romance? 1d
1cKung minsan. 1d Sinipat ni Sugar ang pabalat kung saan inaalayan ng rosas ng isang sikat na matinee idol ang isa pang sikat na starlet. 1cPero ayoko siguro kung ganito, kasi masyadong guwapo 19t maganda ang mga bida. 18Di naman totoo 18yan e. Mas maganda yung romance na mga normal na tao lang. Kunwari, ikaw tapos ako. Ganoon. 1d Sandaling napatigil si Sugar.
Napaso sa iniinom na kape si Ador. Napansin niyang namula ng bahagya ang kausap. Bakit naman mamumula ito? Isang magandang babae, nagbublush para sa kanya? 1cFor example lang ha, 1d pahabol ni Sugar, 1cbaka kung ano isipin mo. Oo nga pala, di pa pala tayo magkakilala. Sugar nga pala name ko. Papa Bear ang tawag nila sa 19yo? 1d
1cOo, 18yun ang palaging biro nila. Pero Adorable ang pangalan ko. Ador for short. 1d
Napahagikhik si Sugar sa tunay na pangalan niya. Ewan niya kung bakit. Inabot ni Ador ang kamay niya para makipag handshake. Unang pagkakataong mahawakan niya ang kamay ni Sugar. Kung romance novel ito, dapat hilahin ni Ador si Sugar palabas ng coffee shop at siilin ng matinding halik sa ilalim ng ulan.
Pero nasa totoong buhay lang naman sila. Ngumiti si Sugar. Ngiting walang kasing tamis sa mata ni Ador. Sa moment na 18yun, pinangako sa sarili ni Ador na kung bibigyan siya ng pagkakataon ay iibigin niya ng buong puso ang magandang dalagang matagal na niyang natutunang mahalin.




